top of page

Kampanyang Masa

Oppose tuition fee hikes in PUP System!
Junk all other school fees!

Ipaglaban ang karapatan sa edukasyon at dapat na natatamasa ng bawat kabataan! Itakwil ang anumang porma ng pagtataas ng matrikula sa lahat ng branch at campus ng PUP sa lahat ng antas. 

Uphold academic and democratic rights!

Patuloy na niyuyurakan ang demokratikong karapatan ng mga organisasyon, konseho at publikasyon na makapaglingkod sa kapwa nila mga Iskolar ng Bayan! Pati ang mga pang-akademikong karapatan ng mga estudyante ay binabastos ng administrasyon sa tuluy-tuloy na pagpigil na makapag-aral sa napili at gustong kurso sa tamang takda ng panahon.

Upgrade basic and  facilities!

Antigo, kulang-kulang, at bulok ang mga batayang pasilidad sa pamantasan! Karapatan ng bawat isa na makapag-aral nang maayos sa tulong sana ng mga pasilidad at ng mismong pamantasan. Ngunit ito pa lalo ang nagsasadlak sa mga Iskolar ng Bayan sa lalong paghihirap araw-araw.

Ibasura ang lahat ng iba pang bayarin na liban pa sa tuition fee! Ang mga bayaring ito ay malinaw na negosyo lamang ng administrasyon at malaking pasanin sa mga Iskolar ng Bayan sa buong PUP.

Fight campus militarization! Stop ROTC!
Stop K-12! Jail Aquino!

Ayon sa batas, bawal ang anumang uri ng militar at pulisya sa loob ng anumang paaralan. Walang ibang dulot ang militarisasyon at ang ROTC kundi maniktik sa mga progresibong organisasyon at walang habas na maglikha ng kultura ng karahasan sa loob ng pamantasan.

Doble pahirap ang K-12 sa kabataan at mamamayan ng Pilipinas! Higit nitong palalalain ang kalagayan ng nabubulok na sistema ng edukasyon na komersyalisado, kolonyal, at pasista! Marapat lamang na ikulong si Aquino sa kaniyang mga anti-mamamayang polisiya at sa lahat ng kaniyang kasalanan sa masang Pilipino!

Need more details? Contact us

We are here to assist. Contact us by phone, email or via our Social Media channels.

© 2016 by PUP OSR

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • LinkedIn Social Icon

Serve the students! Serve the people!

bottom of page